Monday, May 20, 2013

Fil-Teleserye 4


Nakalipas muli ang isang Linggo, at tulad ng dati, magkwekwento ako muli ng mga pangyayari sa mundo ng “Ina, Kapatid, Anak”. Dahil sa malalaking pangyayari sa nakaraang linggo, at lumakas ang galit sa loob ng pamilya nina Celyn at Margaux. Una, dahil sa hirap sa kulungan, naospital sa Zach. Pangalawa, sa galit sa pagpapakulong at sa iba pang mga pangyayari, sinabi ni Julio kay Beatrice na gusto niya ng pagpapawalang-bisa sa kanilang pagkakasal. Pangatlo, inaway ni Beatrice si Theresa sa harap ng kanyang bahay. Sa huli, nalaman rin ni Theresa na buhay si Mio, ang kanyang asawa.

Naghihirap si Zach sa kulungan, at dahil dito hindi na kinaya ng kanyang mantandang katawan. Pinadala siya sa ospital, at napamadali sina Celyn at Theresa patungo sa ospital. Sa tuwa nila, nalaman nilang umayos ang kundisyon ni Zach sa ospital, at binigyan siya ng kwarto para maari siyang obserbahan ng mga doktor. Binisita rin siya ng buong pamilya, at inalagaan siya ni Theresa at ni Yolanda. Nalaman rin nila na binigyan si Zach ng probasyon mula sa kulungan, at pwede na siyang umuwi. Natuwa dito ang buong pamilya maliban si Beatrice.

Nagkaroon rin ng malaking pagbabago sa buhay ni Beatrice. Galit ang buong pamilya niya dahil sa pagpapakulong kay Zach, kahit ang kanyang ina, si Yolanda. Si Lucas, ang kanyang ama, ang mag-isang sumang-ayon sa pagpapakulong. Nalaman ni Beatrice na kinausap ni Julio ang kanilang abogado, at nagulat siya dito. Pinuntahan niya si Julio sa kanyang opisina, at tinanong kung bakit hindi siya bumabalik sa kanilang tahanan, at kung bakit kinausap niya ang abogado. Sinagot ni Julio na gusto niya ng pagpapawalang-bisa sa kanilang pagkakasal, at sobrang napaiyak at napagwala si Beatrice sa sinabi niyang ito.

Sa galit, sinugod ni Beatrice si Theresa, inaakusahan na kinukuha niya ang kanyang buong pamilya, lalo na si Julio. Itinaggi ito ni Theresa, pero hindi naniwala si Beatrice. Sinampal ni Beatrice si Theresa, at nagkaroon ng sapakan ang dalawa hanggang galit na dumating si Celyn. Pinakita niyang hirap na siya tumulong kanilang dalawa sabay, at iniwan sila, gulat na gulat. Pumunta si Celyn kay Liam, pero nung nalaman ito ng ina ni Liam, inisulta niya si Celyn dahil kahit gabing gabi iniimposisyon parin niya ang kanyang anak. Subalit, itinaggol ni Liam si Celyn, pero umalis parin si Celyn at pumunta nalang sa opisina para sa gabing iyon.

Habang mag-isa, nakita naman ni Theresa ang kanyang akalang patay na asawa, si Mio. Ngumiti si Mio kay Theresa at gumawa ng isang mosyon ng pagbabaril. Sa takot, madaliang pumasok si Theresa sa kanyang sariling bahay, sa tuwang tuwa ni Mio. Pinakitang nagtratrabaho siya para kay Lucas, at binigyan siya ng bagong gawain.

Ito na ang aking huling pagkwekwento ng mga linggo ng “Ina, Kapatid, Anak”. Sa pagkwekwento, pagkuha, at pagpalabas sa telebisyon, nakita kong hindi ako mahilig sa mga drama, namamahal na mahal ng mga Pilipino. Kahit hindi ko gusto ang ito, hindi nako manunukso ng mga mahihilig nito, dahil isa rin itong porma ng pagkwekwento at pagpapakita ng mga kakaibang sitwasyon. Kung ano man ang gusto mo, yun ang dapat iyong panoorin.

Monday, May 13, 2013

Fil Pagsusuri 3- Himala


Pinanood namin ang pelikulang “Himala” ni Ishmael Bernal. Ito ang kwento ng lakas ng pagiisip at paniniwala ng maramihan ng mga tao, at ang nagagawa ng isterismo. Malaki ang kitang nakuha ng pelikulang ito, at humigit ito ng tatlumpung milyong piso noong 1980’s. Si Nora Aunor ang bida ng pelikula, bilang si Elsa, at itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamagandang pelikula sa buong Asya-Pasipiko. Dahil dito, ilang beses ng ipinalabas ang pelikulang ito sa iba’t ibang mga pistang pelikula sa buong mundo.
Nagumpisa ang pelikulang “Himala” sa bayan ng Cupang. Tigang ang lupa at mainit ang pakiramdam sa bayan na ito dahil isip nila mayroong sumpa na minawagan kasi may leproso silang pinalayas dati. Apat na taon na ang lumipas, pero hindi pa umayos ang kalagayan ng bayan nila.

Noong nagkaroon ng eklipse, nakakita si Elsa ng aparisyon ng Birheng Ina sa taas ng burol kung saan nahanap siya ng kanyang ina na umampon sa kanya, si Aling Saling. Gamit ng inspirasyon ng imahe ng Birheng ina, ginawa niyang magpagaling sa pananampalatayang paraan, kasama ng kanyang mga kaibigan. Gumana ang kanyang pagpagaling sa mga tao, at biglang maraming bumisita ng bayan upang makita si Elsa at magpagaling sa kanya. Dahil sa rami ng taong pumupunta sa bayan, nagkaroon ng maraming negosyo para kumita ang mga tao, pero pinasara ang mga imoral ng mga negosyo.

Sa sikat ni Elsa, pumunta ang isang taong gumagawa ng pelikula, para gumawa ng isang dokumentaryo tungol sa kanya. Ngunit, noong ginahasa si Elsa at ang kanyang isang kaibigan, walang ginawa ang tagagawa ng pelikula kundi panoorin. Mayroon ring pagkakakalat ng kolera, at dahil dito humina ang tiwala ng mga tao kay Elsa, at sinara niya ang klinika niya dahil sa pagkakasala sa mga kamatayan ng mga maraming tao. Tumigil na rin pumunta ang mga tao sa bayan nila, at bumalik sa dating kundisyon ang Cuping.

Panahon ang lumipas, at nakitang buntis si Elsa. Inisip ng mga tao na Kalinis-linisang Paglilihi, at pinagpalasi Elsa. Kasama ng biglang pag-ulan, natuwa at naniwala muli sila kay Elsa, at nawala na ang sumpa sa bayan nila. Dahil may kapangyarihan muli sa Elsa, pinapunta niya ang lahat ng tao sa burol. Habang nandoon, sinabi niya na walang himala, at hindi niya nakita ang Biheng Ina. Sinabi niya ang mga tao ang gumawa ng mga panginoon at himala, at nagulat ang lahat ng tao. Sa gulo, binaril si Elsa, at nagkaroon ng malaking pagkakagulo. Namatay si Elsa sa kamay ng kanyang ina, at marami ring nayapak at nasaktan. Kahit nangyari ito, noong kinuha ang katawan ni Elsa, lumuhod ang lahat at nagdasal patungo sa katawan niya, at ginawa na siyang simbolo ng mga tao.

Ginamit ng pelikula ang kamera bilang bahagi ng pagkwekwento, dahil sa mga iba’t ibang mga angulo at paglapit sa mga tauhan. Sa pinakamahalang bahagi ng pelikula, pinakitang ang may hawak ng kamera ang bumaril kay Elsa, bilang symbolo ng pagpatay niya sa kamay ng mga tao at pagsamba sa kanya. Minukhang makarelihiyo ang pelikula dahil ginamit ang mga rehilyong tema, ngunit sosyolohikal and sikolohikal ang totoong pinag-aaralan ng kwento. Pinapakita ng pelikula na ang tao ang nakakagawa ng mga bagay na namamahala sa mga ibang tao, at ang mga paniniwala ng mga tao. Hindi ang pagkakaroon ng panginoon ang tanong ng kwento, kundi sino ang imimpluwensya ng mga paniniwala mo.

Fil- Teleserye 3


Isang linggo muli ang lumipas, at limang episodyo ng “Ina, Kapatid Anak” ang ipinalabas. Kahit ito ang linggo bago ang halalan, walang epekto ito sa buhay nina Celyn, Margaux, at buong pamilya nila. Nasali ang pamahalaan at hustisya sa pangyayari ngayon linggong ito, at meron ring nagkabati (o pahinga ng libanan sa isang katuturan). Kahit lumipas na ang tatlo linggo, mahirap parin makaintindi sa ilang sa mga pag-aaway, meron gagawin ko ang makakakaya kong ikwento ngayong linggong ito.

Dahil sa paghihiwalay ng kanyang dalawang anak, at ang kaguluhan na nangyari sa mga lumipas na panahon, tinapos na ni Beatrice ang kaso niya laban kay Zack. Kahit hindi sumang-ayon sina Celyn at Margaux, tinuloy parin ni Beatrice ang kaso kahit wala siyang saksi sa mga hinandog niyang sakdal. Sa hukuman, hindi tinabihan nina Celyn at Margaux si Beatrice, kahit pagkatapos niyang subukang kumbinsihin ang dalawan. Umupo sila sa panig nina Zack at Theresa, para ipakita ang suporta nila sa intensyon ni Zack.

Noong tinawag para magpatotoo, napaiyak si Zack sa interogasyon ng mga abogado ni Beatrice. Ang intensyon niyang padaliin ang mga buhay ng kanyang mga kapamilya, dahil sa mga imposisyon ng mga buhay nila noong panahon. Lumipas ang ilang araw, at sa pagbalik nila sa hukuman, sinabing may kasalanan si Zack at binigyan ng anim hanggang siyam na taon sa kulungan. Inisip ni Beatrice na babalik ang kanyang mga anak sa bahay niya pagkatapos niyang pakulong si Zack, pero mas pinalayo pa niya ang dalawa. Maraming hindi makatawad sa ginawa niyang kaso, kahit ang kanyang asawa. Gayunman, pinayos niya ang mga kwarto para sa kanyang mga kapamilya, sa pagkakataong bumalik sila sa bahay niya.

Dahil sa pangyayaring mga ito, pinagusapin nina Celyn at Margaux na maging peke sa isa’t isa, hindi nanglalait at gumagawa ng sama, para sa pamilya nila. Kahit ginawa nila ito, minsan nangseselos parin si Celyn pagpinapasama ni Margaux si Liam (ang kasintahan ni Celyn) sa mga pulong ng negosyo. Para hindi mabigyan ng maling mensahe si Celyn, paglaging sinasabihan ni Liam si Celyn kung aalis sila ni Margaux. Meron ring nangyayaring masama kay Diego, dahil hindi siya mapagkatiwalaan ni Celyn. Mukhang ito ang magiging susunod na kuwento, pero espekula lamang ito.

Rumarami ang mga pagtutukoy sa mga pangyayari sa pinagdaanan ng mga mas matandang mga miyembro ng pamilya nina Celyn at Margaux. Ang ginagamit na pangkwekwento ang pinagdaanan nina Theresa at Zach. Pinapakita ang buhay ni Theresa bago pumunta sa Manila, ang kanyang ibang anak at asawa, at ang pagkakaibigan niya kay Oscar. Pagwala ng pwedeng maisip sa mangyayari, pwedeng maghanap ng kwento sa nangyari, at ginagawa ito ng palabas na ito.

Hindi sumusunod ang mundo ng “Ina, Kapatid, Anak” sa mundo natin. Kahit isang pagtukoy tungkol sa halalan. Mahilig ang mga Pilipino na kumalimot sa mga pangyayari ng buhay gamit ng palabas sa telebisyon, parang isang paraan ng pagtakas sa totoong buhay ng mga simpleng tao.

Gayunpaman, ngayong linggo makikita natin muli ang mga mangyayari sa mga buhay nina Celyn at Margaux sa “Ina, Kapatid, Anak!”    

Monday, May 6, 2013

Fil- Telserye Recap 2


Nakalipas nanaman ng isang linggo, at maraming nangyari na sa "Ina Kapatid Anak". Nagkaroon ng mga malaking pangyayari sa kwento ng pamilyang Marasigan. Kahit kung isasaalang-alang ang lahat na nangyari sa pamilya nila sa buong kurso ng palabas, makabuluhan parin ang mga pangyayari na lumipas na kamakailan lamang. Mahirap talagang sumunod sa pagitan ng mahabang telserye, kaya ikikikwento ko nalang ang istorya ngayon.

Sa paglipas ng panahon, dahan-dahan nasisira ang relasyon nina Margaux at Beatrice. Pagkatapos ng paghaharap nila sa harap ng bahay ni Celyn, hindi sumang-ayon si Margaux sa kaso ni Beatrice laban kay Theresa. Si Margaux sana ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kaso, at nagalit sa Beatrice dito. Sa pag tanong kung bakit ayaw niya, sinagut ni Margaux na hindi niya ginagawa ang kaso para sa pamilya niya, kundi para sa sariling paghiganti. Dahil rin dito lumakas ang relasyon nina Margaux at Theresa, at nakikitira muna siya sa bahay nila Theresa at Celyn.

Ipinasiya naman ni Ethan na umalis sa kompanya. Hindi ito dahil kay Margaux o kay Celyn, pero gusto niya lang maghanap ng kahulugan at direksyon sa buhay. Nabigo si Margaux dito, dahil mawawala ang isa sa mga kaunting niyang kaibigan, pero rinespeto niya ang desisyon ni Ethan.

Si Celyn naman ang may pinakamalaking pagbabago sa buong palabas. Pagkatapos ng lahat ng beses na itinanggi niya na wala siyang pakiramdam para kay Liam, umamin sila pareho sa isa’t isa. Sa tagal ng pagkakakilala nila, mula sa kolehiyo hanggang sa kompanya, ngayon lamang sila nagging magkasintahan. Pinakita nila ito sa paghalik nila.

Sa puntong ito, nagamit na ang lahat na pwedeng problema o damdamin sa palabas na ito. Unti-unti silang nauubusan na ng mga idea, at mukhang sinisumulan na nila ang posibleng katupasan ng palabas. Nagkaroon na ng pag-amin ng damdamin ng mga bida sa kwento, at napapasyahan na rin (kahit na bahagya lamang) ang hindi pagkakasundo sa pamilya. Kahit ng maraming nanonood ng palabas na ito, may tiyak na layo lamang ang kayang ipahaba ng isang kwento maliban sa pagkilala ng isang sobrang bagong elemento sa kwento. Espekula lamang ang mga puntong ito, pero sa paghalintulad sa mga ibang teleserye, lumalapit na sa mga huling kabanata ang kwentong ito.

Naniwala ako bago pa man umpisahan ang mga kwento, naisip na ang wakas ng istorya. Gamit nito, may sanggunian ka na kung paano mo malalagyan ng pagitan ang mga kabanata o episodiyo (depende sa paraan ng pagpapakita). Hindi ko ito nakikita sa mga teleserye ng gawa sa bayan natin. Parang kapag mayroong drama dito, hindi sila nag iisip ng wakas hanggang bumaba sobra ang mga rating ng palabas, o nakadating na sa punto na walang katotohanan na maglagay ng bago pang elemento o kwento sa istorya sa labas ng pagbabago ng kaugnay na kahulugan at labanan sa kwento. Kayang mapagtitiisan ang mga teleserye naman sa mga ibang bansa dahil alam mong nasa kombensyon lamang ng kwento ang mga posibleng mangyari, at nakakagulat pero hindi nakakaloko ang mga sorpresa sa istorya.

Gayunpaman, ngayong linggo makikita natin ang mga mangyayari sa mga buhay nina Celyn at Margaux sa “Ina, Kapatid, Anak!”  

Sunday, May 5, 2013

Filipino Post 2- The World Of Wrestling


Minsan, nanood ako ng pakikipagbuno sa telebisyon. Ang simple lamang ng kwento, galit yung kotrabida sa bida dahil natalo siya, gusto ang titulo, o gusto gumawa ng pangalan para sa sarili. Nakakatuwa panoorin ang pakikipagbuno, at pwedeng ituring bilang telenovela para sa mga lalaki. Hindi pwede itong ituring bilang isport, dahil ipinapasya ang mga resulta ng mga labanan bago pa man mag-umpisa ang palabas. Simpleng pang pasaya ang pakikipagbuno, at pwede itong panoorin na may kasamang mga kaibigan.

Tungkol sa pakikipagbuno ang “The World Of Wrestling” ni Roland Barthes. Ipinapaliwanag nito ang binibigay na ilusyon ng pakikipagbuno, isang palabas na labis. Pinopokus ng sanaysay na hindi isport ang pakikipagbuno, ang nagbibigay ng saya sa mga manonood ang lahat na nakikita nila. Hindi maaring pumusta sa pakikipagbuno, hindi katulad ng boksing, dahil tungkol ito sa kabuuan ng mga tanawin, at hindi masyadong importante ang resulta. Hindi panalo ang habol ng mga mambunuo, kundi gawin ang mga galaw o kilos na inaasahan sa kanila, gamit ng lahat na maaaring aksyon o eksaherasyon.

Sa pagpasok ng mga mambunuo, naiintindihan agad ng mga tagapanood kung sino ang bayani at kung sino ang kotrabida. Ang rason nito ang mga kilos at tingin ng mga mambunuo sa mga tagapanood, sa mga pangkatawang katangian nila, at ang gimik at bagay na dala nila papunta sa arena. Alam kagad ng mga tagapanood na gagawin ng mga kotrabida ang lahat para manalo, at gusto ito ng mga tagapanood dahil ito ang imahe nabibinibigay niya. Ang mga paghadlang, ilegal na atake, at diskuwalipikasyon ang ilan sa mga bagay na gagawin ng kotrabida, habang susunod lamang sa mga panuntunan ang mga bayani. Isa sa mga pinakamalaking rason na panoorin ang pakikipagbuno ang laban ng mabuti laban sa masama, at ang mga kwentong ganito ang naghihiwalay sa pakikipagbuno sa mga isport.

Ang nagbibigay ng depinisyon ng mga aksyon ng mga mambunuo ang mga pisikial na katangian nila. Iba ang saloobin ng mga malalakas at batak kumpara sa mga mabibilis na mga acrobat, at nasasalamin ang mga katangian ng karakter sa mga bawat galaw sa away. Nakikita ang karakter ng mga mambunuo sa mga ekspresyon pagkatapos ng mga laban, iiba-iba mula sa  pagkakamay o sapak. Nakikita dito ang mga tema ng paghihirap, pagkatalo, at hustisya, mula sa umpisa hanggang katapusan, sa bawat kapit o sapak. Ang mga eksaherasyon ng mga temang ito ang nagbubunot sa mga tagapanood, nagpapakita ng tuwa sa bawat tama. Hindi ito sadistik kundi mauunawaan, dahil hindi gusto ng mga tagapanood ng tunay na paghihirap. Ang imahe ng paghihirap lamang ang kasali sa palabas ng pakikipagbuno, isang kawastusan ng haraya.

May katumbas na reaksyon ang bawat tama, at pinapalakas ang tunog para palakasin ang imahe. Binibigyan rin ng diin ang pagod at sugat, dahil ito ang nagpapakita na tao rin ang mga mambunuo, bayani man o kontrabida. Hinahabol parin ng mga tagapanood ang hustisya, na kahit tapos na ang laban mayroon paring habulan at bugbugan. Gusto ito makita ng mga tagapanood, dahil nagbayad sila para makikita ng laban at kaparusahan sa mga naninira ng mga kombensyon (dahil dito minsan lamang nagkakaroon ng simpleng katapusan ang mga makabuluhan na away). Hindi kailangan panatilihin ng mga mambunuo ang mga karakter nila sa labas ng arena, pero habang nandoon sila, sila ang mga diyos ng arena, pinapanood ng lahat, at pokus ng isang malaking entablado.

Monday, April 29, 2013

Fil- Telserye Recap 1


Mahilig ang mga Pilipino sa mga telenobela na nagpapakita ng drama. Hindi eksepsyon dito ang palabas ng ABS-CBN na “Ina, Kapatid, Anak.”  Makikita sa drama na ito ang mga lihim at kasinungalingan ng isang buong pamilya. Ang bida nito ang dalawang babae na lumaki sa magkaibang kalagayan, isang mayaman at isang mahirap. Nadala sila ng kapalaran sa parehong paaralan, at dito nag-umpisa ang paglulutas ng lahat ng sikreto ng dalawang pamilya na hindi pala dalawa, pero isang malaking pamilya.

Sa pagsulat nito, 149 na kabanata na ang nailabas sa telebisyon, at maraming ng kwentong nalagpasan kung ngayon lang manunood. Sa buod, tungkol ang kwento sa buhay ng dalawang babae, si Celyn at si Margaux. Galing si Celyn sa mahirap na buhay sa Cebu, habang si Margaux naman ang magmamana sa pinakamalaking kompanya ng sapatos sa buong Pilipinas. Nagkita sila sa kolehiyo, at naging kaibigan. Habang na sa kolehiyo, tinago nilang apat (Celyn, Margaux, Ethan at Liam) ang pag-iibigan nina Ethan at Marguaux, pero nalaman ang katotohanan at lumayo ang apat. Nalaman rin na magkapatid sina Celyn at Margaux, dahil pareho silang anak nina Julio at Beatrice (mga magulang ni Margaux). Lumipas ang panahon, at nagtapos sila ng kolehiyo at nagtrabaho si Celyn at Margaux sa kompanya ng sapatos.

Noong huling linggo, maraming nangyari sa kwento nina Celyn at Margaux. Si Celyn ang napiling bagong bise-presidente ng isang departamento sa kompanya, kahit ninanasa rin ni Margaux ang posisyon na ito. Dahil dito, yinaya ni Margaux si Liam sa mga eskursyon saharap ni Celyn, at sumang-ayon lamang si Liam. Lumayas  ang dalawa habang nag-ayos ng opisina si Celyn. Pagkatapos ng lahat, hinatid ni Liam si Margaux sa apartment niya. Pagkatapos bumaba ni Liam sa lobi, nakita ni Margaux na may magnanakaw sa apartment niya. Tinawag niya si Liam, at hinabol nito ang magnanakaw sa hagdanan. Nakatakas ang taong ito, at pinahabol nalang sa mga seguridad. Habang nangyayari ang lahat na ito, sinubuk ni Margaux tawagan ang kanyang mga magulang, pero hindi sila nakasagot sa mga tawag. Tinawagan nalang ni Margaux si Teresa (ang ina ni Celyn), at pinapunta nalang siya sa bahay nina Celyn. Gulat si Celyn sa paguwi niya, pero tinanggap niya ang pagtira ni Margaux sa tahanan nila habang inaayos ang apartment. Samantala, naramdaman ni Beatrice na iniwan na siya ng dalawang niyang anak, at pinuntahan niya sina Teresa para kunin si Margaux. Tumanggi si Margaux, dahil may pakiramdam siya na mas maiinitindihan niya ang nangyari kung tumira muna siya sa tahanan na mapayapa.

Hindi ko maiinitindihan kung bakit sikat ang mga palabas na ganito sa mga masa sa Pilipinas. Magulo ang mga kwento, linalagay sa kwento ang lahat ng posibleng problema na mangyari, at pinapahaba lamang ang mga kwento pero ang katapusan palagi ang pagbati, pagtapat, o kamatayan. Maiisip kong isa na impluwensyang naiwan ng mga mananakop ang pagkopya ng mga ilang elemento ng kultura. Palaging ikinakabit ang mga kwentong ganito sa mga Espanol, at mga gusto at mga kwentong sinusubaybayan ang palaging pinapakita sa telebisyon.

Gayunpaman, ngayong linggo makikita natin ang mga mangyayari sa mga buhay nina Celyn at Margaux sa “Ina, Kapatid, Anak!” 

Monday, April 22, 2013

Fil- Blogpost 1



Malaking bahagi ang kultura ng bansa sa pagkatao ng mga mamamayan nito. Ang mga ating pagkain, iniinom, pinapanood, inaamoy, pinapakinggan at isinusuot, halimbawa lahat ng mga ito sa ating kulturang popular.  Napapasunod ang mga indibiduwal sa mga pamantayan ng lipunan na mga ito dahil ayaw ng mga indibiduwal na na-iiba sila sa karaniwan. Naiiwan ng mga tao ang mga hindi sumusunod sa kulturang popular, kaya mayroong malakas ng impluwensya ang kuluturang popular.
Ang kulturang popular ay mayroong iba’t ibang gamit at katangian sa lipunan. Una, ang gamit nito para sa kita. Nakakarami ng kita ang mga popular na mga bagay at sector ng libangan, dahil kinakalat ang balita tungkol sa mga ito sa mga tao gamit ng mga iba’t ibang mga paraan tulad ng mga balita, anunsiyo, at pasabi. Pangalawa, trangresibo sa mga kategorya ang kulturang popular. Ang mga bagay sa kulturang popular ay mayroong sariling anyo sa mga magkakaibang mga kategorya, tulad ng yaman o sexualidad. Pwedeng masasabi bilang halimbawa ang mga komiks; DC para sa mga mayayaman,  Atlas naman para sa mga hindi nakakaya sa mga mamahalin. Ang mga mensahe rin ng mga komiks ay naiiba sa iyong sexualidad;  iba ang pagkakahawig ng mga katangian ng mga bayani ng mga ito. Pangatlo, napapalaganap ang kulturang popular gamit ng pamamagitan ng  teknolohiya. Ang pagkasulong ng teknolohiya ang nagbibigay ng paraan para maipaabot ang mensahe ng kultura popular, dumadating ito sa lahat ng tao. Pang-apat, mayroong nosyon ng pagiging sado-masokismo sa kulturang popular. Ginagawa ng mga tao ang lahat para lamang makasunod sa kulturang popular- binabawas ang sahod para lamang makabayad sa mga bagong bagay, at agad-agad nagpapalit kapag mayroong bagong popular. Nababawasan ang mga ibang aspekto ng buhay ng pinasya, pero hindi na ito nararamdaman dahil sa bulag na pagsunod sa kulturang popular. Sa huli, nanggagaling mula sa sentro ang kulturang popular. Mayroon palaging pinanggagalingan na nag-uumpisa ang kultura, at palabas itong kumakalat hanggang maging popular ito.
Instrumento ng kaayusan ng sistema ang kulturang popular. Ito ang nagbibigay ng kahulugan sa sistema ng lungsod, at ito rin ang daluyan ng taal na kamalayang Filipino. Sa pag-aaral ng kulturang popular, mayroong mga iba’t ibang pananaw ang ito. Una ang konsepto ng itaas at ibaba. Ang pwersa ng sistema ang itaas habang ang pinipiling boses ng naisantabing pwersa ang ibaba, at dito nakikita ang lakas ng kapangyarihan at impluwensya ng itaas sa ibabaw ng ibaba. Pangalawa ang kultural, at ito ang nagpapahiwatig ng afinidad sa iba pang grupo. Mayroon itong tatlong kategorya:  uri (pang-ekonomiya), lahi (pagiging bahagi ng isang bayan), at kasarian (pagkalalake o pagkababae). Ang pangatlo ang kasayasayan, lipunan at modernismo. Ito ang nabibigay ng panahon, pinanggalingan, at ang mga moderno noong panahon ng panahon na iyon. Pangapat ang konsepto ng global at lokal. Dito nakikita ang mga kulturang popular na nakakalahok sa buong mundo, at kung anong kulturang popular naman ang para lamang sa isang bansa. Mas malakas ang penetrasyon ng global sa lokal, dahil mas marami ang may-alam nito. Huli ang nasyonal at transnasyonal. Ang nasyonal ang pananaw ng sinisipit ang artikulasyon ng pambansa bilang daluyan ng kamalayan, habang ang transnasyonal naman ay ang proyekto sa kapitalismo.
Sa huli, hindi lamang simpleng bagay ang kulturang popular. Maraming kailangang angulo at pagsusuri ang dapat tignan upang maiitindihan ang mga totoong kulturang popular. Para maiitindihan ang lahat, hindi lamang bayan ang tinitignan pero ang mundo rin, dahil ito na ang panahon ng globalisasyon.