Sunday, May 5, 2013

Filipino Post 2- The World Of Wrestling


Minsan, nanood ako ng pakikipagbuno sa telebisyon. Ang simple lamang ng kwento, galit yung kotrabida sa bida dahil natalo siya, gusto ang titulo, o gusto gumawa ng pangalan para sa sarili. Nakakatuwa panoorin ang pakikipagbuno, at pwedeng ituring bilang telenovela para sa mga lalaki. Hindi pwede itong ituring bilang isport, dahil ipinapasya ang mga resulta ng mga labanan bago pa man mag-umpisa ang palabas. Simpleng pang pasaya ang pakikipagbuno, at pwede itong panoorin na may kasamang mga kaibigan.

Tungkol sa pakikipagbuno ang “The World Of Wrestling” ni Roland Barthes. Ipinapaliwanag nito ang binibigay na ilusyon ng pakikipagbuno, isang palabas na labis. Pinopokus ng sanaysay na hindi isport ang pakikipagbuno, ang nagbibigay ng saya sa mga manonood ang lahat na nakikita nila. Hindi maaring pumusta sa pakikipagbuno, hindi katulad ng boksing, dahil tungkol ito sa kabuuan ng mga tanawin, at hindi masyadong importante ang resulta. Hindi panalo ang habol ng mga mambunuo, kundi gawin ang mga galaw o kilos na inaasahan sa kanila, gamit ng lahat na maaaring aksyon o eksaherasyon.

Sa pagpasok ng mga mambunuo, naiintindihan agad ng mga tagapanood kung sino ang bayani at kung sino ang kotrabida. Ang rason nito ang mga kilos at tingin ng mga mambunuo sa mga tagapanood, sa mga pangkatawang katangian nila, at ang gimik at bagay na dala nila papunta sa arena. Alam kagad ng mga tagapanood na gagawin ng mga kotrabida ang lahat para manalo, at gusto ito ng mga tagapanood dahil ito ang imahe nabibinibigay niya. Ang mga paghadlang, ilegal na atake, at diskuwalipikasyon ang ilan sa mga bagay na gagawin ng kotrabida, habang susunod lamang sa mga panuntunan ang mga bayani. Isa sa mga pinakamalaking rason na panoorin ang pakikipagbuno ang laban ng mabuti laban sa masama, at ang mga kwentong ganito ang naghihiwalay sa pakikipagbuno sa mga isport.

Ang nagbibigay ng depinisyon ng mga aksyon ng mga mambunuo ang mga pisikial na katangian nila. Iba ang saloobin ng mga malalakas at batak kumpara sa mga mabibilis na mga acrobat, at nasasalamin ang mga katangian ng karakter sa mga bawat galaw sa away. Nakikita ang karakter ng mga mambunuo sa mga ekspresyon pagkatapos ng mga laban, iiba-iba mula sa  pagkakamay o sapak. Nakikita dito ang mga tema ng paghihirap, pagkatalo, at hustisya, mula sa umpisa hanggang katapusan, sa bawat kapit o sapak. Ang mga eksaherasyon ng mga temang ito ang nagbubunot sa mga tagapanood, nagpapakita ng tuwa sa bawat tama. Hindi ito sadistik kundi mauunawaan, dahil hindi gusto ng mga tagapanood ng tunay na paghihirap. Ang imahe ng paghihirap lamang ang kasali sa palabas ng pakikipagbuno, isang kawastusan ng haraya.

May katumbas na reaksyon ang bawat tama, at pinapalakas ang tunog para palakasin ang imahe. Binibigyan rin ng diin ang pagod at sugat, dahil ito ang nagpapakita na tao rin ang mga mambunuo, bayani man o kontrabida. Hinahabol parin ng mga tagapanood ang hustisya, na kahit tapos na ang laban mayroon paring habulan at bugbugan. Gusto ito makita ng mga tagapanood, dahil nagbayad sila para makikita ng laban at kaparusahan sa mga naninira ng mga kombensyon (dahil dito minsan lamang nagkakaroon ng simpleng katapusan ang mga makabuluhan na away). Hindi kailangan panatilihin ng mga mambunuo ang mga karakter nila sa labas ng arena, pero habang nandoon sila, sila ang mga diyos ng arena, pinapanood ng lahat, at pokus ng isang malaking entablado.

No comments:

Post a Comment