Nakalipas nanaman ng isang linggo, at maraming nangyari na
sa "Ina Kapatid Anak". Nagkaroon ng mga malaking pangyayari sa kwento
ng pamilyang Marasigan. Kahit kung isasaalang-alang ang lahat na nangyari sa
pamilya nila sa buong kurso ng palabas, makabuluhan parin ang mga pangyayari na
lumipas na kamakailan lamang. Mahirap talagang sumunod sa pagitan ng mahabang
telserye, kaya ikikikwento ko nalang ang istorya ngayon.
Sa paglipas ng panahon, dahan-dahan nasisira ang relasyon
nina Margaux at Beatrice. Pagkatapos ng paghaharap nila sa harap ng bahay ni
Celyn, hindi sumang-ayon si Margaux sa kaso ni Beatrice laban kay Theresa. Si
Margaux sana ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kaso, at nagalit sa Beatrice
dito. Sa pag tanong kung bakit ayaw niya, sinagut ni Margaux na hindi niya
ginagawa ang kaso para sa pamilya niya, kundi para sa sariling paghiganti.
Dahil rin dito lumakas ang relasyon nina Margaux at Theresa, at nakikitira muna
siya sa bahay nila Theresa at Celyn.
Ipinasiya naman ni Ethan na umalis sa kompanya. Hindi ito
dahil kay Margaux o kay Celyn, pero gusto niya lang maghanap ng kahulugan at
direksyon sa buhay. Nabigo si Margaux dito, dahil mawawala ang isa sa mga
kaunting niyang kaibigan, pero rinespeto niya ang desisyon ni Ethan.
Si Celyn naman ang may pinakamalaking pagbabago sa buong
palabas. Pagkatapos ng lahat ng beses na itinanggi niya na wala siyang
pakiramdam para kay Liam, umamin sila pareho sa isa’t isa. Sa tagal ng
pagkakakilala nila, mula sa kolehiyo hanggang sa kompanya, ngayon lamang sila
nagging magkasintahan. Pinakita nila ito sa paghalik nila.
Sa puntong ito, nagamit na ang lahat na pwedeng problema o
damdamin sa palabas na ito. Unti-unti silang nauubusan na ng mga idea, at
mukhang sinisumulan na nila ang posibleng katupasan ng palabas. Nagkaroon na ng
pag-amin ng damdamin ng mga bida sa kwento, at napapasyahan na rin (kahit na
bahagya lamang) ang hindi pagkakasundo sa pamilya. Kahit ng maraming nanonood
ng palabas na ito, may tiyak na layo lamang ang kayang ipahaba ng isang kwento
maliban sa pagkilala ng isang sobrang bagong elemento sa kwento. Espekula
lamang ang mga puntong ito, pero sa paghalintulad sa mga ibang teleserye,
lumalapit na sa mga huling kabanata ang kwentong ito.
Naniwala ako bago pa man umpisahan ang mga kwento, naisip na
ang wakas ng istorya. Gamit nito, may sanggunian ka na kung paano mo malalagyan
ng pagitan ang mga kabanata o episodiyo (depende sa paraan ng pagpapakita).
Hindi ko ito nakikita sa mga teleserye ng gawa sa bayan natin. Parang kapag
mayroong drama dito, hindi sila nag iisip ng wakas hanggang bumaba sobra ang
mga rating ng palabas, o nakadating na sa punto na walang katotohanan na
maglagay ng bago pang elemento o kwento sa istorya sa labas ng pagbabago ng
kaugnay na kahulugan at labanan sa kwento. Kayang mapagtitiisan ang mga
teleserye naman sa mga ibang bansa dahil alam mong nasa kombensyon lamang ng
kwento ang mga posibleng mangyari, at nakakagulat pero hindi nakakaloko ang mga
sorpresa sa istorya.
Gayunpaman, ngayong linggo makikita natin ang mga mangyayari
sa mga buhay nina Celyn at Margaux sa “Ina, Kapatid, Anak!”
No comments:
Post a Comment