Nakalipas muli
ang isang Linggo, at tulad ng dati, magkwekwento ako muli ng mga pangyayari sa
mundo ng “Ina, Kapatid, Anak”. Dahil sa malalaking pangyayari sa nakaraang linggo,
at lumakas ang galit sa loob ng pamilya nina Celyn at Margaux. Una, dahil sa
hirap sa kulungan, naospital sa Zach. Pangalawa, sa galit sa pagpapakulong at
sa iba pang mga pangyayari, sinabi ni Julio kay Beatrice na gusto niya ng
pagpapawalang-bisa sa kanilang pagkakasal. Pangatlo, inaway ni Beatrice si
Theresa sa harap ng kanyang bahay. Sa huli, nalaman rin ni Theresa na buhay si
Mio, ang kanyang asawa.
Naghihirap si
Zach sa kulungan, at dahil dito hindi na kinaya ng kanyang mantandang katawan.
Pinadala siya sa ospital, at napamadali sina Celyn at Theresa patungo sa
ospital. Sa tuwa nila, nalaman nilang umayos ang kundisyon ni Zach sa ospital, at
binigyan siya ng kwarto para maari siyang obserbahan ng mga doktor. Binisita
rin siya ng buong pamilya, at inalagaan siya ni Theresa at ni Yolanda. Nalaman
rin nila na binigyan si Zach ng probasyon mula sa kulungan, at pwede na siyang
umuwi. Natuwa dito ang buong pamilya maliban si Beatrice.
Nagkaroon rin ng
malaking pagbabago sa buhay ni Beatrice. Galit ang buong pamilya niya dahil sa
pagpapakulong kay Zach, kahit ang kanyang ina, si Yolanda. Si Lucas, ang
kanyang ama, ang mag-isang sumang-ayon sa pagpapakulong. Nalaman ni Beatrice na
kinausap ni Julio ang kanilang abogado, at nagulat siya dito. Pinuntahan niya
si Julio sa kanyang opisina, at tinanong kung bakit hindi siya bumabalik sa
kanilang tahanan, at kung bakit kinausap niya ang abogado. Sinagot ni Julio na
gusto niya ng pagpapawalang-bisa sa kanilang pagkakasal, at sobrang napaiyak at
napagwala si Beatrice sa sinabi niyang ito.
Sa galit, sinugod
ni Beatrice si Theresa, inaakusahan na kinukuha niya ang kanyang buong pamilya,
lalo na si Julio. Itinaggi ito ni Theresa, pero hindi naniwala si Beatrice.
Sinampal ni Beatrice si Theresa, at nagkaroon ng sapakan ang dalawa hanggang
galit na dumating si Celyn. Pinakita niyang hirap na siya tumulong kanilang
dalawa sabay, at iniwan sila, gulat na gulat. Pumunta si Celyn kay Liam, pero nung
nalaman ito ng ina ni Liam, inisulta niya si Celyn dahil kahit gabing gabi
iniimposisyon parin niya ang kanyang anak. Subalit, itinaggol ni Liam si Celyn,
pero umalis parin si Celyn at pumunta nalang sa opisina para sa gabing iyon.
Habang mag-isa,
nakita naman ni Theresa ang kanyang akalang patay na asawa, si Mio. Ngumiti si
Mio kay Theresa at gumawa ng isang mosyon ng pagbabaril. Sa takot, madaliang
pumasok si Theresa sa kanyang sariling bahay, sa tuwang tuwa ni Mio. Pinakitang
nagtratrabaho siya para kay Lucas, at binigyan siya ng bagong gawain.
Ito na ang aking
huling pagkwekwento ng mga linggo ng “Ina, Kapatid, Anak”. Sa pagkwekwento,
pagkuha, at pagpalabas sa telebisyon, nakita kong hindi ako mahilig sa mga
drama, namamahal na mahal ng mga Pilipino. Kahit hindi ko gusto ang ito, hindi
nako manunukso ng mga mahihilig nito, dahil isa rin itong porma ng pagkwekwento
at pagpapakita ng mga kakaibang sitwasyon. Kung ano man ang gusto mo, yun ang
dapat iyong panoorin.
No comments:
Post a Comment