Monday, May 13, 2013

Fil Pagsusuri 3- Himala


Pinanood namin ang pelikulang “Himala” ni Ishmael Bernal. Ito ang kwento ng lakas ng pagiisip at paniniwala ng maramihan ng mga tao, at ang nagagawa ng isterismo. Malaki ang kitang nakuha ng pelikulang ito, at humigit ito ng tatlumpung milyong piso noong 1980’s. Si Nora Aunor ang bida ng pelikula, bilang si Elsa, at itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamagandang pelikula sa buong Asya-Pasipiko. Dahil dito, ilang beses ng ipinalabas ang pelikulang ito sa iba’t ibang mga pistang pelikula sa buong mundo.
Nagumpisa ang pelikulang “Himala” sa bayan ng Cupang. Tigang ang lupa at mainit ang pakiramdam sa bayan na ito dahil isip nila mayroong sumpa na minawagan kasi may leproso silang pinalayas dati. Apat na taon na ang lumipas, pero hindi pa umayos ang kalagayan ng bayan nila.

Noong nagkaroon ng eklipse, nakakita si Elsa ng aparisyon ng Birheng Ina sa taas ng burol kung saan nahanap siya ng kanyang ina na umampon sa kanya, si Aling Saling. Gamit ng inspirasyon ng imahe ng Birheng ina, ginawa niyang magpagaling sa pananampalatayang paraan, kasama ng kanyang mga kaibigan. Gumana ang kanyang pagpagaling sa mga tao, at biglang maraming bumisita ng bayan upang makita si Elsa at magpagaling sa kanya. Dahil sa rami ng taong pumupunta sa bayan, nagkaroon ng maraming negosyo para kumita ang mga tao, pero pinasara ang mga imoral ng mga negosyo.

Sa sikat ni Elsa, pumunta ang isang taong gumagawa ng pelikula, para gumawa ng isang dokumentaryo tungol sa kanya. Ngunit, noong ginahasa si Elsa at ang kanyang isang kaibigan, walang ginawa ang tagagawa ng pelikula kundi panoorin. Mayroon ring pagkakakalat ng kolera, at dahil dito humina ang tiwala ng mga tao kay Elsa, at sinara niya ang klinika niya dahil sa pagkakasala sa mga kamatayan ng mga maraming tao. Tumigil na rin pumunta ang mga tao sa bayan nila, at bumalik sa dating kundisyon ang Cuping.

Panahon ang lumipas, at nakitang buntis si Elsa. Inisip ng mga tao na Kalinis-linisang Paglilihi, at pinagpalasi Elsa. Kasama ng biglang pag-ulan, natuwa at naniwala muli sila kay Elsa, at nawala na ang sumpa sa bayan nila. Dahil may kapangyarihan muli sa Elsa, pinapunta niya ang lahat ng tao sa burol. Habang nandoon, sinabi niya na walang himala, at hindi niya nakita ang Biheng Ina. Sinabi niya ang mga tao ang gumawa ng mga panginoon at himala, at nagulat ang lahat ng tao. Sa gulo, binaril si Elsa, at nagkaroon ng malaking pagkakagulo. Namatay si Elsa sa kamay ng kanyang ina, at marami ring nayapak at nasaktan. Kahit nangyari ito, noong kinuha ang katawan ni Elsa, lumuhod ang lahat at nagdasal patungo sa katawan niya, at ginawa na siyang simbolo ng mga tao.

Ginamit ng pelikula ang kamera bilang bahagi ng pagkwekwento, dahil sa mga iba’t ibang mga angulo at paglapit sa mga tauhan. Sa pinakamahalang bahagi ng pelikula, pinakitang ang may hawak ng kamera ang bumaril kay Elsa, bilang symbolo ng pagpatay niya sa kamay ng mga tao at pagsamba sa kanya. Minukhang makarelihiyo ang pelikula dahil ginamit ang mga rehilyong tema, ngunit sosyolohikal and sikolohikal ang totoong pinag-aaralan ng kwento. Pinapakita ng pelikula na ang tao ang nakakagawa ng mga bagay na namamahala sa mga ibang tao, at ang mga paniniwala ng mga tao. Hindi ang pagkakaroon ng panginoon ang tanong ng kwento, kundi sino ang imimpluwensya ng mga paniniwala mo.

No comments:

Post a Comment