Monday, April 22, 2013

Fil- Blogpost 1



Malaking bahagi ang kultura ng bansa sa pagkatao ng mga mamamayan nito. Ang mga ating pagkain, iniinom, pinapanood, inaamoy, pinapakinggan at isinusuot, halimbawa lahat ng mga ito sa ating kulturang popular.  Napapasunod ang mga indibiduwal sa mga pamantayan ng lipunan na mga ito dahil ayaw ng mga indibiduwal na na-iiba sila sa karaniwan. Naiiwan ng mga tao ang mga hindi sumusunod sa kulturang popular, kaya mayroong malakas ng impluwensya ang kuluturang popular.
Ang kulturang popular ay mayroong iba’t ibang gamit at katangian sa lipunan. Una, ang gamit nito para sa kita. Nakakarami ng kita ang mga popular na mga bagay at sector ng libangan, dahil kinakalat ang balita tungkol sa mga ito sa mga tao gamit ng mga iba’t ibang mga paraan tulad ng mga balita, anunsiyo, at pasabi. Pangalawa, trangresibo sa mga kategorya ang kulturang popular. Ang mga bagay sa kulturang popular ay mayroong sariling anyo sa mga magkakaibang mga kategorya, tulad ng yaman o sexualidad. Pwedeng masasabi bilang halimbawa ang mga komiks; DC para sa mga mayayaman,  Atlas naman para sa mga hindi nakakaya sa mga mamahalin. Ang mga mensahe rin ng mga komiks ay naiiba sa iyong sexualidad;  iba ang pagkakahawig ng mga katangian ng mga bayani ng mga ito. Pangatlo, napapalaganap ang kulturang popular gamit ng pamamagitan ng  teknolohiya. Ang pagkasulong ng teknolohiya ang nagbibigay ng paraan para maipaabot ang mensahe ng kultura popular, dumadating ito sa lahat ng tao. Pang-apat, mayroong nosyon ng pagiging sado-masokismo sa kulturang popular. Ginagawa ng mga tao ang lahat para lamang makasunod sa kulturang popular- binabawas ang sahod para lamang makabayad sa mga bagong bagay, at agad-agad nagpapalit kapag mayroong bagong popular. Nababawasan ang mga ibang aspekto ng buhay ng pinasya, pero hindi na ito nararamdaman dahil sa bulag na pagsunod sa kulturang popular. Sa huli, nanggagaling mula sa sentro ang kulturang popular. Mayroon palaging pinanggagalingan na nag-uumpisa ang kultura, at palabas itong kumakalat hanggang maging popular ito.
Instrumento ng kaayusan ng sistema ang kulturang popular. Ito ang nagbibigay ng kahulugan sa sistema ng lungsod, at ito rin ang daluyan ng taal na kamalayang Filipino. Sa pag-aaral ng kulturang popular, mayroong mga iba’t ibang pananaw ang ito. Una ang konsepto ng itaas at ibaba. Ang pwersa ng sistema ang itaas habang ang pinipiling boses ng naisantabing pwersa ang ibaba, at dito nakikita ang lakas ng kapangyarihan at impluwensya ng itaas sa ibabaw ng ibaba. Pangalawa ang kultural, at ito ang nagpapahiwatig ng afinidad sa iba pang grupo. Mayroon itong tatlong kategorya:  uri (pang-ekonomiya), lahi (pagiging bahagi ng isang bayan), at kasarian (pagkalalake o pagkababae). Ang pangatlo ang kasayasayan, lipunan at modernismo. Ito ang nabibigay ng panahon, pinanggalingan, at ang mga moderno noong panahon ng panahon na iyon. Pangapat ang konsepto ng global at lokal. Dito nakikita ang mga kulturang popular na nakakalahok sa buong mundo, at kung anong kulturang popular naman ang para lamang sa isang bansa. Mas malakas ang penetrasyon ng global sa lokal, dahil mas marami ang may-alam nito. Huli ang nasyonal at transnasyonal. Ang nasyonal ang pananaw ng sinisipit ang artikulasyon ng pambansa bilang daluyan ng kamalayan, habang ang transnasyonal naman ay ang proyekto sa kapitalismo.
Sa huli, hindi lamang simpleng bagay ang kulturang popular. Maraming kailangang angulo at pagsusuri ang dapat tignan upang maiitindihan ang mga totoong kulturang popular. Para maiitindihan ang lahat, hindi lamang bayan ang tinitignan pero ang mundo rin, dahil ito na ang panahon ng globalisasyon.


No comments:

Post a Comment