Mahilig ang mga Pilipino sa mga telenobela na nagpapakita ng
drama. Hindi eksepsyon dito ang palabas ng ABS-CBN na “Ina, Kapatid, Anak.” Makikita sa drama na ito ang mga lihim at kasinungalingan
ng isang buong pamilya. Ang bida nito ang dalawang babae na lumaki sa
magkaibang kalagayan, isang mayaman at isang mahirap. Nadala sila ng kapalaran
sa parehong paaralan, at dito nag-umpisa ang paglulutas ng lahat ng sikreto ng
dalawang pamilya na hindi pala dalawa, pero isang malaking pamilya.
Sa pagsulat nito, 149 na kabanata na ang nailabas sa
telebisyon, at maraming ng kwentong nalagpasan kung ngayon lang manunood. Sa
buod, tungkol ang kwento sa buhay ng dalawang babae, si Celyn at si Margaux.
Galing si Celyn sa mahirap na buhay sa Cebu, habang si Margaux naman ang
magmamana sa pinakamalaking kompanya ng sapatos sa buong Pilipinas. Nagkita
sila sa kolehiyo, at naging kaibigan. Habang na sa kolehiyo, tinago nilang apat
(Celyn, Margaux, Ethan at Liam) ang pag-iibigan nina Ethan at Marguaux, pero
nalaman ang katotohanan at lumayo ang apat. Nalaman rin na magkapatid sina
Celyn at Margaux, dahil pareho silang anak nina Julio at Beatrice (mga magulang
ni Margaux). Lumipas ang panahon, at nagtapos sila ng kolehiyo at nagtrabaho si
Celyn at Margaux sa kompanya ng sapatos.
Noong huling linggo, maraming nangyari sa kwento nina Celyn
at Margaux. Si Celyn ang napiling bagong bise-presidente ng isang departamento
sa kompanya, kahit ninanasa rin ni Margaux ang posisyon na ito. Dahil dito,
yinaya ni Margaux si Liam sa mga eskursyon saharap ni Celyn, at sumang-ayon
lamang si Liam. Lumayas ang dalawa
habang nag-ayos ng opisina si Celyn. Pagkatapos ng lahat, hinatid ni Liam si Margaux
sa apartment niya. Pagkatapos bumaba ni Liam sa lobi, nakita ni Margaux na may
magnanakaw sa apartment niya. Tinawag niya si Liam, at hinabol nito ang
magnanakaw sa hagdanan. Nakatakas ang taong ito, at pinahabol nalang sa mga
seguridad. Habang nangyayari ang lahat na ito, sinubuk ni Margaux tawagan ang
kanyang mga magulang, pero hindi sila nakasagot sa mga tawag. Tinawagan nalang
ni Margaux si Teresa (ang ina ni Celyn), at pinapunta nalang siya sa bahay nina
Celyn. Gulat si Celyn sa paguwi niya, pero tinanggap niya ang pagtira ni
Margaux sa tahanan nila habang inaayos ang apartment. Samantala, naramdaman ni
Beatrice na iniwan na siya ng dalawang niyang anak, at pinuntahan niya sina
Teresa para kunin si Margaux. Tumanggi si Margaux, dahil may pakiramdam siya na
mas maiinitindihan niya ang nangyari kung tumira muna siya sa tahanan na
mapayapa.
Hindi ko maiinitindihan kung bakit sikat ang mga palabas na
ganito sa mga masa sa Pilipinas. Magulo ang mga kwento, linalagay sa kwento ang
lahat ng posibleng problema na mangyari, at pinapahaba lamang ang mga kwento
pero ang katapusan palagi ang pagbati, pagtapat, o kamatayan. Maiisip kong isa
na impluwensyang naiwan ng mga mananakop ang pagkopya ng mga ilang elemento ng
kultura. Palaging ikinakabit ang mga kwentong ganito sa mga Espanol, at mga
gusto at mga kwentong sinusubaybayan ang palaging pinapakita sa telebisyon.
Gayunpaman, ngayong linggo makikita natin ang mga
mangyayari sa mga buhay nina Celyn at Margaux sa “Ina, Kapatid, Anak!”